ABNKKBSNPLAko?! The Movie: 2.5/5

RobStill1

Cool-ang… Kinulang ang ABNKKBSNPLAko?! The Movie sa pagpaparamdam ng mensahe nito dahil nabaling ang kanyang atensyon sa paglasap ng tamis ng unang pag-ibig kaysa sa pagkwento ng isang nakakaantig na istorya ng pagkadapa, pagbangon at pagbalik-tanaw sa masayang nakaraan. Sa kabilang dako, na-enjoy ko siya kahit papaano at di ako umuwing luhaan… nanghihinayang lang sa oportunidad ng pagiging classic nito kung napunta lang siya sa mas dedikadong direktor at manunulat.

Basahin ang kabuuan ng aking rebyu para sa movie adaptation ng pinakapaborito kong Pinoy book of all time sa http://e-revs.blogspot.com/2014/02/abnkkbsnplako-movie.html